Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » P2 milyon ipinamimigay ni Willie lingo-linggo

P2 milyon ipinamimigay ni Willie lingo-linggo

Willie Revillame

SOBRANG gastos pala per taping day ng “Wowowin.” Sa interbyu ni Jessica Soho kay Willie Revillame sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabi ng TV host na P550,000 cash ang ipinamimigay niya sa audience, bukod sa iba pang give-aways ng kanyang programa, tulad ng jacket, cellphone, flat TV sets, loot bag, atbp.

Ayon kay Willie, mula sa sarili niyang bulsa ang ipinamimigay niyang cash prizes. Kung twice or thrice a week ang taping ng WWW, less than P2 million ang ipinamimigay ng TV host. Super generous talaga si Willie.

Aniya, hindi importante sa kanya ang pera dahil kapag namatay siya, hindi naman niya madadala ’yun sa kanyang hukay.

Mas mahalaga sa kanya ’yung maraming tao siyang nabibigyan ng tulong at kaligayahan sa sarili niyang pamamaraan.

Ayon pa kay Willie, alam niya kung sino ang talagang nangangailangan ng tulong. Alam niya kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nanloloko lang. Nararamdaman niya ’yun, ani Willie.

Kamakailan ay nag-renew siya ng kontrata sa GMA Network. Aniya, at home siya sa network at ramdam niya ang all-out support ng management sa kanyang programa. Bukod sa bagong segments ng WWW, magkakaroon din ito ng international shows. Inaayos na ang schedule para sa pagtatanghalan ng WWW abroad.

GF sa dilim

Naging girlfriend din pala sa dilim si Elisse Joson na kasali sa “PBB Lucky 7 Season.” Ex-boyfriend niya si Jerome Ponce nang nagkatrabaho sila sa isang show ng ABS-CBN.

Sa confession ni Elisse kay big brother, aniya’y itinago nila ni Jerome ang kanilang relasyon noon na hindi nagustuhan ng kanyang mother. Ikinahihiya raw ba siya (Elisse) ni Jerome, kaya hindi nila maamin ang kanilang relasyon? Sobrang na-hurt si Elisse nang basta na lang siya iniwan ni Jerome.

Ang paliwanag naman ni Jerome kay big brother ay bago pa lamang siya nag-uumpisa sa kanyang career, pinagsabihan daw siyang huwag niyang aaminin ang relasyon nila ni Elisse. Minahal daw niya si Elisse at hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang dalaga.

Nali-link ngayon si Elisse kay McCoy de Leon na kasama niya sa PBB. Friends sina McCoy at Jerome na binigyan ng task ni big brother sa loob ng PBB house. Kaabang-abang ang mga kaganapan sa pagkikita nilang tatlo. May mga nagtatanong lang, hindi raw kaya scripted ’yun? Whatever!

Naka-move on na

Walang inendorsong political candidates noong nakaraang May 9 elections si Myrtle Sarrosa. Wala namang nagbawal sa kanya at aniya, sarili niyang desisyon ’yun.
Hindi rin sinabi ni Myrtle kung sino’ng presidential candidate ang ibinoto niya. Bumoto naman kaya siya? Ex-boyfriend niya si Brian Poe-Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe na kumandidato bilang presidente.

Ani Myrtle, naka-move on na siya sa break-up nila ni Brian. Friends sila at nagkausap pa sila noong campaign period.

No more heartaches, no more bitterness, ayon pa kay Myrtle.

Wala munang lovelife. Studies at career muna ang focus niya. Happy naman siya kahit walang nagpapasaya ng puso niya ngayon. “I’m hoping to meet someone na parang may koneksiyon kami. ’Yung may chemistry kami,” ani Myrtle, ang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

Aniya pa, may pressure na siya ang pumalit kay Maja Salvador. Paliwanag ng owner na si Aileen Go, magkaibang campaign sina Maja at Myrtle. Tungkol sa young celebrity professionals ang kay Maja, samantalang young celebrity students naman ang kay Myrtle.

And more

Samahan si Marian Rivera sa kanyang food trip sa “Yan ang Morning” habang tinitikman niya ang iba’t ibang klase ng pagkain sa QC. Tulad ng Ilocos Empanada kasama ang Ilocanang si Vaness del Moral. Sa tulong ng Ilonggong si Joel Torre, gagawa si Marian ng Ilonggo recipe na apan-apan. Mag-e-enjoy naman si Marian sa sarap ng kinilaw at sinuglaw na specialty sa Cagayan de Oro kasama si Mark Bautista na isang Cagayanon. Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.

Mamaya sa “Encantadia,” hindi magagawang saktan ni Amihan (Kylie Padilla) si Pirena (Glaiza de Castro) sa kanilang labanan. Magsasanib-puwersa sina Alena (Gabbi Garcia ) at Danaya (Sanya Lopez) para magapi ang Hathoria.

Aaminin ni Alena kay Ybarro (Ruru Madrid) ang kanyang nararamdaman para sa binata. Dadapo ang paru-paro kay Emre bilang tanda na ito na ang pinipili ni Bathala na magbibigay ng anak kay Amihan.

comments