Home » Entertainment » Angeline supports gay love

Angeline supports gay love

Angeline Quinto

Angeline Quinto

All-out ang suporta ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa pagpapakasal ng mga gay couples.

Naniniwala si Angeline na ang love ay para sa lahat, kahit na ano pa ang gender nito.

“Wala tayong karapatan na hadlangan ang dalawang taong nagmamahalan, kahit na dalawang lalake pa sila o dalawang babae.

“Love is love, ‘di ba? Walang pinipiling klaseng tao ang love.

“Kung ang mga hayop nga, may pag-ibig din sa kanila, ‘di ba? What more sa tulad natin na nagsasalita, nakakaintindi at nagagawa ang iba’t ibang bagay para ma-express ang love,” ngiti pa ni Angeline.

Dalawang gay weddings na raw ang napuntahan ni Angeline sa US dahil kinuha siyang wedding singer. Malaki raw kasi magbayad ang mga ito at libre pa ang round trip ticket niya.

“Sa totoo lang, ang laki nila magbayad kaya go lang ako!” tawa pa niya.

“May isa ngang hindi ko napuntahan kasi nagsu-shoot kami ng ‘That Thing Called Tanga Na.’ Sa Canada iyon. Sayang nga pero priority ko ang mag-shooting talaga.

“Kaya sa mga ikakasal na mga beki sa US at sa ibang bansa, available po ako para kumanta sa wedding ninyo!”

Pinuri ni Direk Joel Lamangan ang acting ni Angeline sa kanilang pelikula. Akala ng award-winning director na mahihirapan siyang paartehin ito pero mabilis daw nito nakuha ang gusto niyang iarte ng singer.

Inamin ni Angeline na noong una raw ay natakot daw siya kay Direk Joel.

“Kasi may mga nagsabi sa akin na strict ‘yan si Direk Joel. Hindi ako puwedeng tatanga-tanga sa set. Kaya nag-prepare talaga ako ng husto.

“Yung mga natutunan ko sa mga past movies ko like ‘Born To Love You,’ ‘Beauty in a Bottle,’ ‘Four Sisters and a Wedding’ at ‘Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo,’ in-apply ko rin dito sa movie namin.

“Ang bait naman pala ni Direk Joel. Masaya siyang katrabaho at naaliw siya sa akin.

“Kaya natuwa ako noong sabihin na may second movie kami together. Kaya love ko si Direk Joel!” pagtatapos pa ni Angeline Quintos.

comments