Home » Entertainment » Edu balik-GMA

Edu balik-GMA

Edu Manzano

BALIK-GMA si Edu Manzano at kasama siya sa cast ng “Someone to Watch over Me” topbilled by Tom Rodriguez and Lovi Poe. Kasama rin si Max Collins sa upcoming primetime series ng Kapuso Network.

Gaganap si Tom bilang isang taong may Alzheimer’s disease at ayon kay Edu, bumilib siya at humanga sa concept ng show. Mapangahas na hakbang daw ito ng GMA at never pang natalakay sa isang TV show ang ganitong tema.

Inaabangan ang presscon ng STWOM dahil matagal nang hindi naiinterbyu ng entertainment writers si Edu. Isa siya sa mga paboritong interviewee dahil articulate siya at press friendly.

Sana lang, hindi ipagbawal ang mga tanong tungkol sa anak niyang si Luis Manzano, kina Jessy Mendiola at Angel Locsin na anak kung tawagin ni Edu. Gano’n pa rin kaya ang tawag niya sa ex-girlfriend ng anak niyang si Luis?

comments