Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sunshine nangayayat

Sunshine nangayayat

Sunshine Dizon

BIG success ang “One Fine Day with the Bae” concert ni Alden Richards on July 24 sa Kallang theatre sa Singapore.

Kasama niyang nag-perform sina Aicelle Santos at Kim Idol. Orgnized by SingPhil Events, media sponsors ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International.

Bago ang concert ay nagkaroon ng meet and greet kung saan pinasalamatan ni Alden ang fans niyang naka-base sa Singapore. Aniya, blessing at humbling experience na makita at makasama niya ang mga taong naging bahagi ng kanyang journey sa narating niya ngayon sa showbiz.

Nag-participate rin ang Pambansang Bae sa #AskAlden Twitter party, organized by Twitter Asia via Twitter’s exclusive Q&A app na ang mga tanong ay galing worldwide. His Q&A video answers were viewed 921,000 times on Twitter and the hashtag #ALDENinSG at nag-Number One trending topic on Twitter worldwide.

Best birthday gift

Aug. 2 this year ang happiest and most memorable birthday ever ni Dingdong Dantes ngayong 36 years old na siya. First time siyang nag-celebrate na isa na siyang certified father. Aniya, best birthday gift ever sa kanya si baby Zia, panganay na anak nila ng wife niyang si Marian Rivera.

Simpleng birthday celebration lang ang naganap na siyempre pa’y naging punong-abala si Marian sa preparations.

Nagsilbing birthday gift din kay Dingdong ang bagong drama-action series na gagawin niya sa GMA7. Makakasama niya sina Megan Young at Andrea Torres. Excited si Dingdong dahil may mga action scene siya at looking forward na siyang masimula ng taping.

Bagay sa Kapuso Primetime King ang mag-action na ipinamalas niya sa “Encantadia” kung saan nagkaroon siya ng special participation. Ang husay ni Dingdong sa fight scenes niya.

Excited

A few more weeks na lang at manganganak na si Iya Villania sa panganay nila ng husband niyang si Drew Arellano. Ani Iya, sobrang excited na silang mag-asawa makita ang itsura ng kanilang baby na Baby A ang tawag nila.

Todo effort ang ginagawa nilang paghahanda sa pagdating ni Baby A, mula sa baby dresses at iba pang baby stuff, pag-aayos ng kuwarto nito hanggang sa paraan ng pag-aalaga nila kay Baby A.

Baka nga raw ma-spoil nila ang kanilang “little angel,” ayon sa expectant mommy.

Super close friends

Good news sa Biguel fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. May upcoming weekly show sila na mapapanood every Sunday simula next month. Interactive mini-series ito na pinamagatang “Usapang Real Love” (URL), maghahatid ito ng kilig overload sa kanilang fans and supporters.

Sa mga nagtatanong kung ano’ng real score kina Miguel at Bianca, anila, closer than ever sila. Pero wala pang ligawan label at basta enjoy-enjoy lang muna sila being super close friends. So, there!

Inaabangan na

Inaabangan na ang paglabas ni Conan Stevens sa “Encantadia.” Nag-taping na ang Hollywood actor at star ng “Game of Thrones.” Kung tama ang dinig namin, role raw na ginampanan ni Benjie Paras sa original version ng “Encantadia” ang ibinigay kay Conan.

Lumabas sa social media ang picture ni Conan kasama ang co-stars niya sa “Encantadia” na sina Sunshine Dizon at Rochelle Pangilinan who play Adhara and Agane, respectively, na parehong kontrabida.

Halatang pumayat si Sunshine na bagay sa kanya. Epekto siguro ng pinagdaraanan niya ngayon sa isyu nila ng estranged husband niyang si Timothy Tan. Strong woman si Sunshine at positive ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya na malalampasan niya ang pinagdaraanan niya ngayon.

comments