Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Tulak pinatay habang tulog

Tulak pinatay habang tulog

Isang hinihinalang drug pusher ang binaril at napatay ng dalawang lalaking nakamotorsiklo habang siya’y natutulog sa loob ng kaniyang bahay sa Pasay City, Martes ng gabi.

Kinilala ng Pasay City Police ang biktima na si Arthuro Custodio Jr. alyas Melles, 35, nakatira sa No. 58 Sinco de Junio Street., Sun Valley, Pasay.

Base sa police report, binaril si Custodio ng tatlong beses sa katawan habang tulog bandang 7 p.m.

Ayon sa mga testigo, nakita nila ang dalawang armadong lalaki na nakamaskara at nakasuot ng jacket na pumasok sa bahay ng biktima at ilang minuto lang ay nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nang puntahan ng mga kapitbahay ang bahay ng biktima, bumungad sa kanila ang duguan at walang buhay ng biktima. Nakita sa tabi niya ang isang placard na may nakasulat na “Pusher ako, wag niyo tularan.” (Martin A. Sadongdong)

comments