Home » News » Headlines » Isa pang QCPD official sinibak

Isa pang QCPD official sinibak

Isa pang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) ang inalis sa puwesto at nakatakdang ilipat sa Mindanao, ayon kay QCPD chief Senior Supt. Guillermo Eleazar.

Si Supt. Victor Pagulayan, commander ng Talipapa Police Station (PS-3), ang pinakabagong nadagdag sa listahan ng ng QCPD officers na sinibak sa puwesto.

Ayon kay Eleazar, si Philippine National Police (PNP) Director-General Ronald “Bato” dela Rosa mismo ang nagbigay ng kautusan para tanggalin si Pagulayan effective August 1. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments