Home » Entertainment » Myrtle did not snatch Maja’s endorsement

Myrtle did not snatch Maja’s endorsement

Myrtle

HINDI raw inagaw ni Myrtle Sarrosa kay Maja Salvador ang pagiging endorser ng Sisters sanitary napkins and pantyliners, na isa sa mga nangungunang produkto ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

Paliwanag ng Megasoft executive na si Aileen Go, hindi na nila ni-renew ang kontrata ni Maja bilang endorser dahil bagong campaign na ang ipino-promote ng Sisters ngayong taon.

Ito nga ang Sisters’ School is Cool, na bagay kay Myrtle dahil bukod sa pagiging artista ay college student siya na malapit nang magtapos sa kursong Broadcast Communication sa UP Diliman.

Sabi pa ni Ms. Aileen, “Actually, for Maja Salvador last year ’yung aming objective is for the young professionals.’’

“Si Myrtle napakatalino, napakabait, napaka-talented, nasa kanya nang lahat. Sobrang natutuwa ako sa kanya kasi she is able to balance her studies and her work. At hindi lang siya basta nag-aral, talagang she is running for cum laude sa UP. Di ba mayroon din siyang album ngayon, lahat ng songs doon siya ang nagsulat. So, I really wanted somebody like her na ‘yung talagang titignan ng ating mga kabataan ngayon.”

May pressure ba kay Myrtle na siya ang pumalit kay Maja bilang endorser? “Merong pressure talaga po. Kasi si Maja Salvador is Maja Salvador, ang dami na niyang napatunayan.’’

Magiging bahagi si Myrtle ng advocacy ng Sisters na tumutulong sa mga paaralan at mga estudyante sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. (Glen P. Sibonga)

comments