Home » Entertainment » Timing » Solenn ayaw paawat sa pagpapaseksi

Solenn ayaw paawat sa pagpapaseksi

FOR sure, sobrang proud si Dingdong Dantes sa wife niyang si Marian Rivera. Kahit may asawa’t anak na’y kinabog ni Marian ang mga single ladies na aktres. Sa isang article na inilabas ng isang American-based online media company, si Mrs. Dantes ang napiling Most Beautiful Filipina Actress.

Number One sa list ang host ng “Yan ang Morning” na kabilang sina Angel Locsin, Maja Salvador, Anne Curtis at KC Concepcion na pawang unmarried pa.

Dagdag ganda points pa kay Marian na tinanghal siyang Hall of Famer ng FHM dahil three consecutive years siyang nag-Number One sa 100 Sexiest Women ng naturang men’s magazine. Truly sexy and beautiful ang wife ni Dingdong.

Hindi nga nahuli si Marian sa kaseksihan ng apat niyang anak na sang’gre sa “Encantadia” na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Kahit labas-pusod ang mga ito sa kanilang costumes, hindi nakabog ang ganda at kaseksihan ni Marian.

Samantala, kahanga-hanga ang galing sa fight scenes ng apat na sang’gre sa kanilang labanan para magapi ang Hathoria na sinaniban ni sang’gre Pirena (Glaiza). Sanib-puwersa naman ang tatlong sang’gre na sina Alena (Gabbi), Danaya (Sanya) at Amihan (Kylie). Tutok lang sa mga kaganapan sa “Encantadia” na gabi-gabi’y nagte-trending nationwide at worldwide.

Ayaw paawat

Kahit may asawa na, ayaw pa ring paawat ni Solenn Heussaff sa pagpapaseksi. Muli siyang nag-pose sa FHM at siya ang cover girl sa August issue this year ng naturang men’s magazine.

Huli siyang nag-sexy pose para sa naturang magazine in March 2011. Ani Solenn na gumaganap bilang Cassiopea sa “Encantadia,” regalo niya sa kanyang fans and supporters ang muli niyang pag-pose sa FHM.

Ani Solenn, kahit may asawa na siya, walang mababago sa kinagawian niyang pagpapaseksi. Gagawin pa rin niya ang gusto niyang gawin para sa kanyang career. Understanding at supportive ever ang husband niyang si Nico Bolzico.

Hindi kaya ma-bash?

Hindi kaya ma-bash na naman si Derrick Monasterio sa sinabi niyang crush niya si Jessy Mendiola? Ayon pa kay Derrick, gusto niyang makapareha ang rumored girlfriend ni Luis Manzano.

Hindi kaya maakusahan si Derrick na nakikisakay naman siya ngayon sa popularity ni Jessy para mapag-usapan siya?

Kontrobersiyal ngayon ang FHM’s Sexiest Pinay. Maraming isyu ang ibinabato kay Jessy.

Na-bash si Derrick noong na-link siya kay Maine Mendoza. Naging isyu ’yung aksidenteng pagkikita nila sa Subic. May mga nag-akusa kay Derrick na diumano’y ginagamit lang niya si Maine.

Sabagay, ganyan naman sa showbiz. May masabi lang ang isang artista, may kahulugan na ’yun sa ibang tao.

comments