Home » Entertainment » Judy Ann makes film comeback via ‘Kusina’

Judy Ann makes film comeback via ‘Kusina’

6Judy Ann Santos1 copy copy

JUDY Ann Santos-Agoncillo delivered a brilliant performance sa kanyang comeback movie na “Kusina,” isa sa official entries ng 2016 Cinemalaya Philippines Independent Film Festival.

Based on the 2006 Palanca award-winning screenplay by Cenon Palomares, ginagampanan dito ni Juday ang papel na Juanita, ang inang dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Pero sa kanyang munting kusina niya nailalabas ang kanyang mga kinikimkim na emosyon sa pamamagitan ng pagluluto.

“I committed myself to this movie project three years ago. Gusto ko kasi ang story niya at nakiusap akong hintayin nila ako.

“After kong manganak sa second child kong si Luna, nagpahinga muna ako nang four months. Para makapag-adjust lang ako.

“Ako kasi ang nag-suggest na ipasok namin ang ‘Kusina’ sa Cinemalaya. Kaya noong June, nag-start na kaming mag-shoot for the movie.

“Sabi ko naman, okey lang na mataba tayo kasi ang role ko naman dito ay magiging nanay ako ng dalawang bata at tatanda ako. Bumagay naman ako sa role physically,” kuwento pa ni Juday.

Hindi naman daw naging malaking issue sa aktres ang kanyang timbang ngayon.

“Tanggap ko naman na ganito ako ngayon. Kitang-kita naming mataba talaga ako sa movie namin.

“Hindi na namin mahihintay na pumayat pa ako para magawa namin ang movie.

“Hindi na ako nagpapa-pressure na magpapayat talaga.

“I am doing this para sa sarili ko. Gusto kong magawa ang maraming bagay para sa pamilya ko.

“Hindi na tayo bagets kasi. Kaya mas maraming ingatang nangyayari sa akin ngayon. As long as okey ako and I’m healthy. Kita n’yo naman, natapos ko ang ‘Kusina’ at nakaabot kami sa deadline ng Cinemalaya.”

Pero hindi pa raw muna makakagawa ng teleserye si Juday dahil kailangan pa niya ng mas mahabang panahon para maging maayos ang lahat.

“Pinanganak ko kasi si Luna via c-section. Kaya matagal akong nagpahinga talaga.

“Noong medyo malakas na ako, I tried doing simple exercises muna like walking. Wala pa munang mga mabibigat na workout.

“Mahirap na ’yung mabigla ako, ’di ba? Plus si Luna, tutok talaga ako sa kanya.

“Kaya medyo matagal pa bago nila ako mapanood sa TV ulit. But they can now watch me act again sa movie naming ‘Kusina’.” (RUEL J. MENDOZA)

comments