Home » Entertainment » LizQuen’s dream wedding is by the beach

LizQuen’s dream wedding is by the beach

6liza and enrique gil copy

NAALIW kami sa panunukso at pagbibiro ni Liza Soberano sa ka-love team niyang si Enrique Gil.

Sa media set visit kasi ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN teleseryeng “Dolce Amore” ay biglang nasambit ni Liza kay Enrique na, “Gusto mo lang ikasal sa akin e.”

Nag-ugat ang panunuksong ito nang matanong ang dalawa tungkol sa kanilang dream wedding. Nag-trending kasi sa social media ang wedding scenes sa nakalipas na episodes ng “Dolce Amore.” Ikakasal dapat si Serena (Liza) kay Tenten (Enrique). Pero para masagip ang mga pamilya nila sa kapahamakan, pinili ni Serena na magpakasal kay Gian Carlo (Matteo Guidicelli), na namatay naman sa eksena matapos mabaril.

Unang nagsabi si Liza ng kanyang dream wedding. “Gusto ko sa beach. Gusto ko simple lang, as in family lang ang nandoon at saka close friends. Ayoko ng sobrang bongga.”

Gusto rin daw ni Enrique na sa beach ikasal. “Ganun din e. I really love the beach.”

Sa ibang bansa raw ang preferred beach wedding nila. Pwede raw sa Maldives, o kaya sa Hawaii.

Tanong tuloy namin kay Enrique kung si Liza na ba ang gusto niyang pakasalan? “Sinabi na niya kung saan niya gustong magpa-kasal e, doon ko rin gusto. Iyon na yun,” ani Quen.

Pero hindi pa naman daw sila magpapakasal anytime soon kahit na inamin ni Enrique na boyfriend-girlfriend na ang turingan nila. Nirerespeto pa rin daw nila ang bilin ng mga magulang nila na huwag magmadali.

Samantala, happy at proud sina Liza at Enrique sa patuloy na pamamayagpag ng “Dolce Amore” sa national TV ratings.
(GLEN P. SIBONGA)

comments