Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Papalit-palit, palipat-lipat

Papalit-palit, palipat-lipat

6dennis and jen  copy copy

DAHIL sa post ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account ng sweet-sweetang picture nila ni John Lloyd Cruz, may mga nag-iisip na hindi raw kaya may namumuong “something” sa kanila ni John Lloyd?

Nag-movie date ang dalawa at pinanood nila ang “How To Be Yours” kung saan bida sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na ex-boyfriend ni Maja. Baka naman friendly date lang ’yun? Whatever!

Sa isang interbyu kay Ruffa Gutierrez na ex-girlfriend ni John Lloyd, ibinuking niyang may bagong girlfriend ang aktor. Walang ibinigay na clue si Ruffa, kaya mapapaisip ka na hindi kaya si Maja ’yun?

Ano kayang reaction ni Angelica Panganiban na ex-girlfriend ni JLC? Hindi maiwasang isipin ang merry-go-round sa relasyon ng Kapamilya stars. Bago si Gerald ay nakarelasyon ni Maja si Matteo Guidicelli na boyfriend ngayon ni Sarah Geronimo na ex-girlfriend ni Rayver Cruz na ex-boyfriend ni Cristine Reyes. Na-link din si Sarah kay John Lloyd na naging boyfriend ni Shaina Magdayao.

Before Maja, nakarelasyon ni Gerald si Kim Chiu na dating BFF (best friend forever ni Maja). Nagkaroon ng short-lived relationship sina Gerald at Bea na tumagal nang three months. See? Konek-konek ang mga nabanggit na Kapamilya stars.

Papalit-palit, palipat-lipat.

Isali na rin sina Luis Manzano, Angel Locsin at Jessy Mendiola, ang ex at present GFs, respectively, ni Manzano. Wala pa nga lang formal na pag-amin mula kina Luis at Jessy.

Past and present

Sa Kapuso stars, si Kim Rodriguez ang ex-girlfriend ni Kiko Estrada na boyfriend ngayon ni Barbie Forteza. Si Rocco Nacino ay ex-boyfriend nina Sheena Halili at Lovi Poe.

Si Mark Herras na ex-boyfriend ni Jennylyn Mercado ay si Winwyn Marquez ang girlfriend ngayon, samantalang si Dennis Trillo ang boyfried ngayon ni Jen (kahit ayaw pa nilang aminin).

Si Kylie Padilla ay ex-girlfriend ni Aljur Abrenica na na-link noon kay Louise de los Reyes na ex-girlfriend ni Enzo Pineda. Si Julian Trono ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Kylie na na-link din kay Benjamin Alves. Kay Julie Anne San Jose naman ngayon nali-link si Benjamin.

Naging “item” din noon sina Benjamin at Max Collins na ang rumored boyfriend ngayon ay si Pancho Magno. Na-link din si Benjamin kay Glaiza de Castro.

Si Mike Tan ay ex-boyfriend ni LJ Reyes na girlfriend ngayon ni Paolo Contis.

Kumpara sa Kapamilya stars, walang masyadong konek-konek sa relasyon ang Kapuso stars.

Nananaba

Kapansin-pansin ang pananaba ni Enrique Gil. Bilugan na ang kanyang mukha at namumurok ang kanyang mga pisngi sa nilalabasan niyang teleserye with Liza Soberano. Nagmumukhang mature si Enrique at sa tingin namin ay nakakahawig na siya ng isang dating news anchor sa isang network.

Kung hindi makokontrol ang pananaba ni Enrique, baka mabawasan ang kanyang pogi points. Diet, exercise at workout sa gym lang naman ang katapat para mabawasan ang timbang ng ka-love team ni Liza.

By the way, hindi matanggap ng fans and supporters ni Liza na Number 8 lang siya sa listahan ng Most Beautiful Pinay Celebrities na inilabas ng isang US-based online website. Anila, kumpara sa ibang female stars na napasama sa listahan, mas maganda raw si Liza.

Si Marian Rivera ang Number 1 na walang violent reaction dahil deserve raw ’yun ng Kapuso actress. Pangalawa si Anne Curtis at pangatlo si Angel Locsin na sinundan nina Coleen Garcia, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, Cristine Reyes, Liza Soberano, Kim Chiu. Pasok sila sa Top 10.

Ayon sa fans and supporters ni Liza, pwedeng pumangalawa ang kanilang idolo kay Marian kung ganda ng face ang pag-uusapan. Kinukuwestiyon din nila kung bakit Number 6 sa listahan si Kathryn Bernardo. Eh, kapag pinagtabi raw sina Liza at Kathryn, kabog ni Liza si Kathryn.

Ano naman kaya ang reaction ng fans and supporters ni Jessy Mendiola na wala sa Top 10 ng Most Beautiful Pinay Celebrities? Number 3 si Angel Locsin. Bawi naman si Jessy dahil siya ang FHM’s Sexiest Pinay for 2016.

comments