Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Gym instructor todas sa tricycle

Gym instructor todas sa tricycle

Patay ang isang 23-taong gulang na gym instructor nang bumangga ang kaniyang motorsiklo sa isang tricycle sa Arnaldo Highway, Barangay Sta. Clara, General Trias, Cavite noong Biyernes.

Kinilala ni PO3 Rommel Ronquillo Taal, may hawak ng kaso, ang biktima na si Wilmer Leones Espleguera, residente ng Prinza, General Trias.

Ayon kay Taal, dumulas ang motorsiklo ng biktima habang paliko sa Arnaldo Highway at bumangga sa tricycle na minamaneho ni Joel Jarito Cabillan, 22, residente ng Tropical Village, San Francisco, General Trias.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya binawian ng buhay dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting into homicide si Cabillan. (Anthony Giron)

comments