Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mag-asawa, anak dinukot sa Zamboanga Sibugay

Mag-asawa, anak dinukot sa Zamboanga Sibugay

ZAMBOANGA CITY – Tinutugis na ng mga pulis ang pitong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na dumukot sa isang mag-asawa at kanilang anak sa Payao, Zamboanga Sibugay noong Biyernes.

Kinilala ni Zamboanga Sibugay police director Senior Supt. Romulo Cleve Taboso ang mga biktima na sina Elmer Romoc, empleyado ng munisipyo ng Payao, at ang kanyang asawa at anak na sina Nora at Ricson.

Ayon kay Taboso, dinukot ang mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay Kulisap sa Payao at tumakas palaot.

Sinabi ni Taboso na nakipagugnayan na sila sa mga sundalo upang tugisin ang mga suspect at iligtas ang mga biktima.

Idinagdag ni Taboso na minamanmanan na din nila ang mga dalampasigan ng probinsiya kung saan maaaring dinala ang mga biktima. (PNA and Nonoy E. Lacson)

comments