Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 dinukot sa Sulu

3 dinukot sa Sulu

ZAMBOANGA CITY – Isang “sharif” at mag-asawa ang kinidnap ng pinaghihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) noong Sabado sa Patikul, Sulu.

Pinangalanan ng militar ang mga biktima na si Sharif Julhasan Abirin, Levi Gonzales, 30 at ang kanyang buntis na maybahay na si Daniella Taruc, 26. Nakasakay ang tatlo sa isang itim na multi-cab na galing sa Jolo papunta sa Bagsak, Talipao, Sulu. Pinarahan ang sasakyan sa Barangay Timpook ng mga armadong kalalakihan.

Ang multi-cab ay natagpuan din sa barangay. Tinutugis ngayon ng militar ang mga suspek. (Nonoy Lacson)

comments