Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » P1-B marijuana plantation

P1-B marijuana plantation

TABUK, Kalinga – Isang bilyong piso halaga ng tanim na marijuana ang binunot ng mga otoridad sa isang taniman sa Mt. Chumanchill, Tinglayan, Kalinga.

Sakay ng helicopter, pinangunahan ni Chief Superintendent Elmo Sarona, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang operasyon na ginampanan ng mga kanyang tauhan katulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Kalinga PPO at 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army.

Ayon kay Sarona, ang mga marijuana plant ay mas malaki sa mga mais. Ayon kay PDEA regional director Juvenal Azurin, ang taniman ay may laking walong ektarya na kinabibilangan ng 5.2 milyong marijuana plants. (Rizaldy Comanda)

comments