Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Babae natagpuang patay

Babae natagpuang patay

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Natagpuan ang bangkay ng isang magandang babae na nakasilid sa isang sako at may tama ng 21 saksak ng patalim sa katawan sa highway ng Barangay Pasi Dos, Socorro, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng police ang biktima na si Queence Star P. de los Reyes, 29, dalaga, nakatira sa Barangay Calero, Calapan City.

Ayon kay PO2 Dave Warren Mugat ng Socorro Municipal Police Station, nalaman nila ang pangalan ng babae nang tawagan nila ang isa sa mga numero sa phonebook ng kanyang cellphone na na-recover sa bulsa ng kanyang damit.

Sinabi ni Marie Cris De Jaro, tiyahin ng biktima, na isang mapagmahal at maalagang pamangkin si Queence. Dagdag niya na sa kanya tumira si Quinee dahil ulilang lubos na ang biktima.

Nanawagan si de Jaro, isang local broadcaster at publisher ng isang local paper, sa mga awtoridad na hanapin ang mga pumaslang sa kaniyang pamangkin.

Sinabi ni Mugat na inaalam pa nila ang motibo sa likod ng karumaldumal na pagpatay. (Jerry J. Alcayde)

comments