Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Cargo ship lumubog sa Leyte

Cargo ship lumubog sa Leyte

CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte – Isang cargo ship na naglalaman ng semento ang lumubog sa karagatan ng Southern Leyte noong Linggo ng hapon, ayon sa report na nakarating sa Philippine National Police (PNP) Regional Office 8.

Ayon kay Senior Supt. Domingo S. Cabillan, PNP 8 regional operations chief, lumubog ang MB Divine Grace sa dagat malapit sa Sitio Sabang, Barangay Lubo, Pintuyan, Southern Leyte, bandang 1:15 p.m. noong Agosto 7.

Nasagip ng mga miyembro ng Pintuyan Police Station at Coast Guard ng Maasin City and 21 pahinante ng barko, sabi ni Cabillan.

Base sa report, naglalayag papuntang Tacloban City mula San Fernando, Cebu ang barko nang makaranas ng engine trouble at tuluyang lumubog. (Nestor Abrematea)

comments