Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Drug pusher na sumuko pinaslang

Drug pusher na sumuko pinaslang

Isang aminadog drug pusher na sumuko kamakailan sa mga awtoridad ang binaril at napatay ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Dead on arrival si Mario dela Cruz Sr., 52, sa Capitol Medical Center nang pagababarilin ng isa sa dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo malapit sa kanyang tahanan sa Roosevelt Avenue, Barangay Paraiso, San Francisco Del Monte, bandang 7:45 p.m.. Base sa police investigation, nakaupo si Dela Cruz sa labas ng compound ng kanyang bahay nang huminto sa harap niya ang mga salarin, isa ay nakasuot ng helmet habang ang isa ay may bonnet.

Ayon sa isang testigo, mukhang kakilala ni Dela Cruz ang isa sa maga salarin dahil nag-usap pa sila. Tinanong umano ng backrider si Dela Cruz ng “Bakit ka nandito?” at sinagot naman ng huli ng ganoon din tanong. Maya-maya pa, biglang bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan si Dela Cruz sa katawan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments