Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » AirPhil, Cebu Pacific flights, naantala

AirPhil, Cebu Pacific flights, naantala

CLARK FREEPORT ZONE, Pampanga – Pitong commercial flights ng Cebu Pacific at AirPhil Express ang sapilitan na lumapag sa Clark International Airport dahil sa masamang panahon at visibility sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa command center ng Clark Airport, ang mga byahe ng Cebu Pacific na na-divert ay ang Tagbilaran, Ozamis, Zamboanga at Mactan habang byaheng Butuan at Catarman ang naapektuhan sa byahe ng AirPhil Express.

Bukod pa dito ay isang ATR private plane mula Palawan ang napilitan din na lumapag sa Clark. Wala namang aberya ng naganap sa mga diverted flights sa Clark na sa ngayon ay naghihintay pa din ng abiso buhat sa NAIA.
(Franco G. Regala)

comments