Home » News » News Roundup » Drug pusher napatay ng pulis

Drug pusher napatay ng pulis

Nabaril at napatay ng isang undercover anti-narcotics police ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Tondo, Manila, bandang 1:50 a.m. kahapon.

Base sa police report, nakipagkita ang suspek na si Ferdinand Salazar kay PO2 Raymond Boco, umaktong poseur-buyer, para i-deliver sa huli ang shabu sa kanto ng Jose Abad Santos Avenue at Quiricada St., Tondo, ngunit bago pa niya mai-abot ang droga, nahalata ni Salazar na ang kanyang binebentahan ay isa palang pulis.

Agad umanong na bumunot ng baril si Salazar at pinaputukan si Boco ngunit hindi niya tinamaan ang alagad ng batas.

Gumanti naman ng putok si Boco at napuruhan ang suspek sa tiyan at ulo.

Isinugod ng mga pulis si Salazar sa Ospital ng Tondo ngunit dead on arrival siya doon. (Analou De Vera)

comments