Home » Entertainment » Singer-actress nagseselos sa kapareha ng actor-BF

Singer-actress nagseselos sa kapareha ng actor-BF

FOR sure, hindi aaminin ng isang singer-actress (SA) na nagseselos siya sa pretty actress (PA) na kapareha ng kanyang guwapong boyfriend-actor sa isang TV series.

Pero isang insider sa production team ang nagsabi sa aming kapag may taping ang PA at ang guwapong aktor (GA) ay panay ang tawag ng SA sa kanyang boyfriend. Tsine-check ni SA kung ano ang ginagawa nito.

Tsika pa ng source, noong nag-taping ang PA at ang GA somewhere sa Visayas, maya’t maya rin ay may-I-call si SA sa kanyang boyfie. Wala namang dahilan para magselos o ma-insecure si SA sa PA dahil ayon sa source, good boy at behaved ang kanyang boyfie. Never itong nag-flirt sa PA dahil love na love nito ang girlfriend na SA.

comments