Home » Entertainment » Will Alden still be Jennylyn’s leading man in new teleserye?

Will Alden still be Jennylyn’s leading man in new teleserye?

Alden Richard

CONFIRMED na ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang gaganap na Steffi Cheon sa local TV adaptation ng hit Koreanovelang “My Love from the Star.”

Matagal nang nabalitang si Jennylyn ang napipisil na gumanap sa role na Steffi, isang sikat na actress na neighbour ng isa pang lead character na si Matteo Do.

Pero wala pang kinukumpirma noon si Jennylyn dahil hindi pa siya nakakapirma ulit ng bagong exclusive contract with GMA-7.

Ngayon ay hinahanda na nga ang lahat para sa pagsimula ng pre-production sa “My Love from the Star.”

Isang dahilan ito kung bakit nagkaroon ng modeling training session si Jennylyn with beauty queen maker na si Jonas Antonio Gaffud.

Ayon pa sa magdidirek ng “My Love from the Star” na si Bb. Joyce Bernal, gusto nilang maging mala-supermodel si Steffi sa local TV adapatation ng nasabing Koreanovela.

Noong April pa nabalitang ang Pambansang Bae na si Alden Richards ang gaganap sa role na Matteo Do.

Isang alien si Matteo na nagpapanggap bilang isang professor sa ating mundo. After thousands of years na kanyang pamamalagi sa Earth ay nag-decide na itong umalis na. Pero bigla itong napigilang umalis dahil bigla niyang nakilala ang kanyang magandang kapit-bahay na si Steffi at na-in love siya rito.

Isang worldwide hit ang Koreanovelang “My Love from the Star” na kinunan sa Joseon Dynasty in modern-day Seoul.

Pinagbidahan ito ng mga Korean stars na sina Kim Soo-hyun and Jun Ji-hyun.

Kung noon ay confirmed na si Alden ang gaganap bilang Matteo, ngayon ay parang inaalam pa ang kanyang availability dahil sa October na sila magsisimulang mag-taping.

May balita kasing baka hindi na rin matuloy si Alden dahil baka hindi raw magustuhan ng fans nila ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, na si Jennylyn ang ipapareha sa kanya.

May mga nagbantang mga fans na hindi susuportahan ang teleseryeng ito kung hindi rin lang si Maine ang ka-partner ni Alden.

Kaya hintayin nalang daw ang official nabalita kung sino talaga ang gaganap na Matteo Do. Kung tuloy pa ba si Alden o ibang Kapuso actor na ang gaganap bilang partner ni Jennylyn Mercado. (RUEL J. MENDOZA)

comments