Home » News » News Roundup » Parañaque ‘narco-cop’ sibak na

Parañaque ‘narco-cop’ sibak na

Ang Parañaque police officer na nasa drug list ni President Duterte ay matagal nang sinibak sa serbisyo, ayon sa Southern Police District (SPD).

Sinabi ni Supt. Jenny Tecson, SPD public information officer, na ang hinihinalang “narco-cop” na si PO3 Alexander Macabeo, dating nakatalaga sa Paranaque Police Community Precinct (PCP) 3, ay wala na sa police force noon pang taong 2015.

Hindi pa nila alam ang dahilan ng kanyang dismissal. Napag-alaman na bago pa siya maalis sa pagkapulis, inilipat si Macabeo sa Regional Police Holding Accounting Unit of the National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Abril 29, 2010.

“Bago po siya ma-dismiss ay nag-AWOL (Absence without leave) pa siya,” dagdag ni Tecson. (Martin Sadongdong)

comments