Home » News » News Roundup » ‘Salvage’ victim natagpuan sa Navotas

‘Salvage’ victim natagpuan sa Navotas

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan malapit sa San Roque Parchish Church bandang 2:45 a.m. kahapon.

Ayon sa mga imbestigador, ang biktima ay nasa 20 hanggang 30 taong gulang, 5’2’’ ang taas, may tattoo na ‘JEFF ALGE CASTRO’ sa kaliwang braso, at nakasuot ng itim na t-shirt at denim pants.

May dalawang tama siya ng bala sa leeg at isa sa ulo. Sinabi ni Navotas Police chief Senior Supt. Dante Novicio na nakuha rin sa biktima ang dalawang sachet ng shabu. Ito ang ikatlong bangkay na itinapon sa Navotas, sabi ni Novicio. (Jel Santos)

comments