Home » Entertainment » Vaness takot lumabas ng bahay

Vaness takot lumabas ng bahay

VANESSA del moral

NATATAKOT na o bihira nang lumabas ng bahay ngayon si Vaness del Moral. Aniya, dahil sa bad character niya bilang Gurna sa “Encantadia” ay marami na ang nagagalit sa kanya. Inuudyukan niya kasi si Pirena (Glaiza de Castro) para magalit ito sa mga kapatid na sang’gre na sina Amihan (Kylie Padilla), Danaya (Sanya Lopez) at Alena (Gabbi Garcia).

Ayon kay Vaness, simula noong umere ang “Encantadia” ay isang beses pa lang siyang nakapunta sa mall at sa grocery pa ’yun. Hindi siya nakapag-ikot-ikot sa takot na baka kuyugin siya ng fans na galit sa kanya.

Ani Vaness, hindi niya alam kung paano iha-handle sakaling mangyari ’yun sa kanya. “Usually, kasama ko ang boyfriend ko kapag lumalabas ako ng bahay para may magtatanggol sa akin, just in case mapa-trouble ako (laughs),” wika ni Vaness.

Pero aniya, thankful siya kahit kinaiinisan ang karakter niya sa “Encantadia.” Ang ibig sabihin daw no’y effective ang pagganap niya.

“Thank you so much, guys, dahil nabubuwisit kayo sa akin. Actually, natutuwa ako pag pinapanood ko ang karakter ko, natatawa ako sa kasamaan ko,” ani Vaness.

comments