Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vice, Coco magsasama na naman sa pelikula

Vice, Coco magsasama na naman sa pelikula

Coco and Vice

LAST two episodes na lang ng “Yan ang Morning” today and tomorrow. Sa episode ngayong morning, pupunta si Marian Rivera sa Our Lady of Perpetual Help Shrine sa Baclaran kasama ang BFFs niyang sina Boobay at Roxanne Barcelo. Noong wala pa sa showbiz si Marian ay madalas siyang nagsisimba roon kasama ang kanyang lola. Ise-share niya ang special memories niya sa naturang simbahan.

Pupunta rin sina Marian, Boobay at Roxanne sa love locks, bagong attraction sa Baclaran church. Pipili si Marian ng tatlong padlocks for her hubby Dingdong Dantes, baby Zia at para sa hinihiling niyang another “little one” (hopefully baby boy) nila ni Dingdong.

Bibili naman sina Boobay at Roxanne ng birthday gift for Marian sa Berma Mall kung saan siya nagsa-shopping noon matapos silang magsimba ng kanyang lola sa Baclaran.

Tomorrow sa farewell episode ng YAM, special guest si Dingdong. Sakay ng bike, magga-gastronomic tour ang mag-asawa around Bonifacio Global City. Pupunta sila sa dalawa sa mga paboritong restaurants nila sa BGC. Sa bawat stop nila, magbibigay si Boobay ng pot of flowers na may mga tanong na sasagutin nina Dingdong at Marian tungkol sa kanilang married life. Magluluto rin si Dingdong ng special dish for his wife.

Kuya na si Bimby

Aug. 8 parehong nanganak sina Michela Cazzola at former actress Tanya Garcia. Baby boy ang isinilang ni Michela, courtesy ng live-in partner niyang si James Yap. Baby girl naman ang kay Tanya, pangatlong anak nila ng husband niyang si former Pampanga Governor Mark Lapid. Michael James ang pangalan ng unang anak nina James at Michela, Madeleine naman ang kina Mark at Tanya.

Sa St. Lukes, Bonifacio Global City, nanganak si Michela, sa Medical City naman si Tanya. May tres Marias na sina Mark at Tanya na ang panganay at pangalawang anak nila’y pinangalanan nilang Misha Amidala (9 years old) at Matilda Anika (5).

Third child ni James si baby Michael James. Non-showbiz ang mother ng panganay niya. His ex-wife, Kris Aquino naman ang mother ng pangalawang anak ni James na si James, Jr. o Bimby. May half-sibling din si Bimby sa kanyang mommy Kris, si Joshua na si Phillip Salvador ang father. Close sina Bimby at Joshua dahil magkasama sila sa isang bahay with their mommy Kris.

Just curious, sino kaya ang mag-e-effort para maging close rin si Bimby sa baby brother niyang si Michael James? Ano kaya’ng reaction ni Bimby na kuya na siya ngayon?

Excited

Kaabang-abang ang pelikulang muling pagsasamahan nina Vice Ganda at Coco Martin under Star Cinema na si Joyce Bernal ang direktor. First time nilang makakatrabaho ang lady director, kaya kapuwa excited sina Vice at Coco.

Kasama rin sa cast ang mga batang sina Simon Ezekiel “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela na mga kasama ni Coco sa “Ang Probinsiyano.”

Isama na rin sana ang mga komedyanteng sina Kiray at Negi na mga kasama naman ni Vice sa “Gandang Gabi Vice.” For sure, riot sa katatawanan ang pelikulang wala pang pamagat.

Unang nagkasama sina Coco at Vice sa “Beauty and the Bestie” na dinirek ng yumaong Wenn Deramas. With direk Joyce Bernal sa second movie nina Coco at Vice, hindi naman pahuhuli si Bernal kay Deramas sa pagdidirek ng comedy movie.

Patok ang mga romcom (romantic-comedy) movies na ginawa ni Bernal. Kayang-kaya rin niyang magpakilig, magpatawa, magpaiyak ng mga manonood.

comments