Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 katawan natagpuan sa isang bahay

3 katawan natagpuan sa isang bahay

CALATAGAN, BATANGAS – Tatlong bangkay ang natagpuan sa bahay ng isa sa mga biktima kung saan isa sa mga ito ay sinasabing number 9 sa listahan ng drug watchlist ng pulisya.

Kinilala ni Calatagan chief of police Senior Inspector Joey Jonathan Bagayao ang mga biktima na sina Richard Dinglasan, Mauricio Pinili at Bianca Capacia.

May tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima matapos pagbabarilin ng mga suspect noong Huwebes ng madaling-araw.

Si Dinglasan ay nasa listahan umano ng drug watchlist ngunit hindi naman matiyak kung may kinalaman sa droga ang insidente. (Lyka Manalo)

comments