Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angeline umaming nagpakatanga kay Erik

Angeline umaming nagpakatanga kay Erik

Angeline Quinto

EXCITED na si Dingdong Dantes mag-taping ng bago niyang primetime series sa GMA7. Wala pang final title, pero dinig nami’y action-drama ito na ang direktor ay si Dominic Zapata. Reunion project nila ito; huli silang nagkatrabaho sa “My Beloved” na pinagbidahan nina Dingdong at Marian Rivera.

Makakasama ni Dingdong sa bago niyang primetime series sina Megan Young, Andrea Torres, Jaclyn Jose, Sid Lucero, among others.

Siguro nama’y hindi pagseselosan ni Marian ang dalawang leading ladies ni Dingdong na sina Megan at Andrea. Both are “taken” na, kahit ayaw pang diretsang aminin ni Megan na boyfriend niya si Mikael Daez. Ayaw ring aminin ni Andrea na meron siyang Sef Cadayona.

Ang press release ni Megan, travel buddies lang sila ni Mikael. Owwsss? Andrea claims loveless siya. Again, owwsss?

By the way, special guest si Dingdong sa farewell episode today ng “Yan ang Morning.” Sakay ng big bike, maglilibot sila ng wifey niyang si Marian Rivera sa Bonifacio Global City. Magluluto rin si Dingdong ng special dish for his beloved wife na 32nd birthday today. Happy Birthday, Marian. Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.

Asa pa?

After mag-post ni Maja Salvador sa social media ng sweet-sweetang picture nila ni John Lloyd Cruz, si Ciara Sotto na ex-girlfriend ng Kapamilya actor ang nag-post naman sa kanyang Instagram account ng magkasamang picture nila ng kanyang ex-boyfriend.

May mga nagsabing may kilig at asa factor ang post ni Ciara ng picture nila ni John Lloyd kahit sweet-sweetan ang post ni Maja sa picture nila ni John Lloyd.

Sa tingin namin, parang may hiya factor at pa-tweetums sina John Lloyd at Ciara. Hindi kaya nag-flashback o may throwback factor ng sweet memories noong together pa sila?

Natatandaan pa naming sa isang interbyu noon kay John Lloyd ang sinabi niyang marami siyang magagandang bagay na natutunan kay Ciara, isa na ang table manners.

Marami ang nanghinayang noong nag-break sina John Lloyd at Ciara. Did we hear it right, may mga taong gumawa ng paraan para paghiwalayin sila?

Nagpakatanga

Sayang at hindi nag-follow-up question si Boy Abunda kay Angeline Quinto noong nag-guest ito sa “Tonight with Boy Abunda.” Sinabi kasi ni Angeline na nagpakatanga siya sa relasyon nila ni Erik Santos. Sana’y tinanong ni Boy si Angeline kung bakit at ano’ng katangahan ang ginawa niya para kay Erik.

Nabanggit ni Boy na gusto na raw magkaanak ni Erik. Ani Angeline, hindi pa siya handa. Gusto niyang mag-focus muna sa kanyang career dahil marami pa siyang gustong gawin. Wala naman silang diretsang inamin ni Erik na “sila” na, bakit kaya gusto nang magkaanak ni Erik? Kay Angeline kaya o sa ibang babae?

Magseselos

Mamaya sa “Encantadia,” makakaramdam ng selos si Pirena (Glaiza de Castro) dahil nagiging malapit na ang loob ni Lira (Kate Valdez) kay Amihan (Kylie Padilla).

Mahuhulog sa tulay si Mila (Mikee Quintos). Maililigtas siya ni Dado (Leandro Baldemor), pero malulunod at mamamatay ito. Sisisihin ni Amanda (Angelu de Leon) si Mila. Pagmamalupitan naman ni Berto (Ryan Eigenmann) si Mila.

comments