Home » Entertainment » Paolo returning to ‘Bulaga’ after 6-month suspension

Paolo returning to ‘Bulaga’ after 6-month suspension

Paolo Ballesteros

MATATAPOS na ang six-month suspension ng Tape, Inc. kay Paolo Ballesteros at babalik na siya sa “Eat Bulaga” next month. Sobrang na-miss ni Paolo ang show at ang dabarkads niya, kaya excited siya sa kanyang pagbabalik.

Sabi sa amin ng isang EB insider, binigyan lang nila ng leksiyon si Paolo. Ginawa rin nila ’yun noon kina Jose Manalo at Wally Bayola na nagkaroon ng magkaibang isyu. Sinuspinde rin ang dalawang komedyante.

Siguro naman, sa second chance na ibinigay ng management kay Paolo para makabalik siya sa “Eat Bulaga” ay magbi-behave na siya. Hindi na siya magmamaldita at magpi-feeling-feelingan. Abangan na lang natin ang pag-welcome back kay Paolo ng dabarkads niya sa EB.

comments