Home » News » News Roundup » Snatcher ng cellphone nabaril ng pulis

Snatcher ng cellphone nabaril ng pulis

Nabaril ng isang off-duty police officer ang isang snatcher matapos agawin ng huli ang cellphone ng isang estudyante habang nakasakay sa pamapaseherong jeepney sa Sta. Cruz, Manila.

Naganap ang insidente sa kanto ng Oroquita at Herrera Streets habang papauwi na si Police Officer 2 Frederick Pastor mula sa kanyang duty sa Malate Police Station bandang 6:45 p.m.

Kasalukyang nagpapagaling ang suspek na si Cesar Vinarao, 21, ng Lico Street in Tondo, Manila, sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang tagiliran ng katawan.

Tinangka ni Vinarao na saksakin ng balisong si PO2 Pastor nang ma-corner siya ng pulis matapos niyang agawin ang Samsung Galaxy J7 ni Jay-Ann Monteno, 15, na nakaskay sa tabi ng drayber ng jeepney, ayon sa police report.
(Analou De Vera)

comments