Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 900 pa sumuko sa N. Ecija

900 pa sumuko sa N. Ecija

CAMP OLIVAS, Pampanga – Mahigit 900 na drug users at pushers mula Talavera town sa Nueva Ecija ang sumuko kay mayor Nerivi Santos-Martinez sa isang seremonya na ginawa sa Talavera National High School Gymnasium.

Ayon kay PRO3 Acting Regional Director Chief Supt. Aaron Aquino, malaking bagay ang naging pagsuko ng mga drug personalities sa kanilang pangkalahatan na programa para mapuksa ang droga sa kanilang lugar.

“Please stop o hintuan nyo na ang masamang gawain ng paggamit at pagtutulak ng iligal na droga. Ang pagsugpo sa iligal na droga ay mas madaling makakamtan kung ang bawat miyembro ng lipunan ay makikipagtulungan sa kapulisan, kaya tulungan nyo po kami,” ani Aquino.

Hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 57,000 ang sumuko habang 1,053 ang nadakip sapul nang simulan nila ang “Project Tokhang” sa kanilang nasasakupan. (Mar T. Supnad)

comments