Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » ‘Chris Tiu’ patay sa buy bust

‘Chris Tiu’ patay sa buy bust

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang kapangalan ng sikat na basketball player matapos manlaban sa isang buy bust operation Huwebes ng hapon sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ang suspect na si Robert Tiu na gumagamit ng pangalan na “Chris Tiu”, kapangalan ng tanyag na basketbolista na naglalaro sa PBA team na Rain or Shine.

Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat Jr, acting provincial director ng Bulacan, nanlaban si Tiu nang mahalata nito na isang pulis ang bumibili sa kaniya ng shabu sa isang buy bust operation na pinangunahan ng Drug Enforcement Unit Operatives (DEU) ng San Jose del Monte City Police Station sa Brgy. Bagong Buhay III.

Agad na namatay dahil sa tama ng bala buhat sa mga pulis si Tiu na nakunan ng limang plastic ng shabu, isang caliber .38 at P500 bill.

Dinala naman sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office ang mga nakuhang ebidensiya para dumaan sa examination. (Franco Regala)

comments