Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Ex-pulis tepok sa drug raid

Ex-pulis tepok sa drug raid

BUTUAN CITY – Isang dating miyembro ng intelligence division ng Metro Butuan City Police Office (BCPO) ang binaril at napatay sa isa pang drug operation ng BCPO Station 3 sa Purok 8, Barangay Ambago, Butuan City Huwebes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si ex-Police Officer 3 Rex B. Ofianga, 36 anyos na AWOL simula pa 2013. Isang anti-illegal drug operation ang ginawa sa tahanan ng suspek base sa search warrant number 1763-2016 na galing sa isang local court sa Butuan City.

Tumanggi ang suspek sa nasabing search warrant nang ilabas nito ang kaniyang. 38 revolver, dahilan para barilin ito ng mga operatiba. Isang hand grenade at ilang drug paraphernalia at shabu ang nasamsam sa tahanan ni Ofianga.
(Mike U. Crismundo)

comments