Home » News » News Roundup » Snatcher pinaslang sa Pasig City

Snatcher pinaslang sa Pasig City

Isang kilalang snatcher na nanaksak kamakailan ng isang mag-aaral ng Rizal High School ang itinumba ng limang nakamotorsiklong kalalakihan sa Pasig City kahapon.

Kinilala ng police ang napatay na si Chester Santos alias “Negro”, residente ng Villa Susana, Caniogan, Pasig City.

Sinabi ni barangay tanod Danilo Reyes sa police na nakita niya ang biktima na hinahabol ng limang hindi kilalang lalaki na naka-bonet sakay ng dalawang motorsiklo bandang 2:40 a.m.

Nang ma-corner nila ang biktima, pinagbabaril nila ito at sabay na humarurot patakas. Napag-alaman sa imbestigasyon na si Santos ay nasa drug watchlist ng Barangay Caniogan. Kilala umano siya bilang snatcher at suspek sa pananaksak sa isang 14-taong gulang na estudyante. (Jenny F. Manongdo)

comments