Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Anak minartilyo ng ama

Anak minartilyo ng ama

Sumuko ang isang ama sa mga pulis pagkatapos nitong martilyuhin at mapatay ang kanyang anak na sumugod sa kanya sa Lasam, Cagayan noong Huwebes.

Kinilala ng Lasam police ang biktima na si Virgilio Aguinaldo, 78. Ayon sa imbestigasyon, dumating ang suspect sa bahay galing sa bukid ng bigla siyang sugurin ng kanyang anak na si Peter, 48, na may dalang itak.

Nakakuha ng martilyo ang suspect at pinukpok ang biktima sa ulo na agad nitong kinamatay. Nakatakdang kasuhan ng parricide ang suspect sa Cagayan prosecutor’s office sa Tuguegarao City. Hinala ng mga pulis na may sakit sa pagiisip ang biktima kaya nagawa nitong salakayin ang kanyang ama. (PNA)

comments