Home » Entertainment » Comedienne Cacai banned from seeing Thai model-actor

Comedienne Cacai banned from seeing Thai model-actor

By RUEL J. MENDOZA

Cacai Bautista  HINDI itinanggi ng TV and film comedienne na si Cacai Bautista na pinagbawalan siyang lumapit at makipag-communicate sa sikat na Thai model-actor na si Mario Maurer.

Naging close sina Cacai at Mario noong may gawing pelikula rito sa Pilipinas ang Thai model-actor noong 2012 na “Suddenly It’s Magic.”

Na-link si Cacai kay Mario at balitang nagkaroon sila ng secret relationship.

Noong minsang magbakasyon si Cacai sa Bangkok noong 2013, lumabas ang mga series of photos nilang dalawa ni Mario.

Balitang pinakansela pa raw ng Thai model-actor ang isang trabaho niya sa araw na iyon para lang makasama si Cacai.

Dahil doon ay pinagbawalan na si Mario na makasama si Cacai.

Noong dumating si Mario sa Pilipinas kamakailan para mag-promote ang tourism sa Thailand, may order sa security na bantayan ang Thai actor para hindi siya malapitan ni Cacai.

Ang utos pa ay “to keep a friendly distance to avoid rumors of a romantic affair with the comedian.”

Naglabas pa ang publicist ni Mario na si Joyce Ramirez ng isang statement na nagsasabing wala namang real romance na namagitan kay Mario at Cacai.

Si Joyce raw kasi ang sinasabing nagbawal kay Mario na makita itong kasama ang komedyante.

“It is no laughing matter for the comedienne to namedrop me in her social thread with media and make it appear I am the antihero to their fictional love story… The story she has created only in her mind is false, malicious and delusional. Those were the exact same words used by my Thai counterparts,” ayon pa sa statement ni Joyce.

Pero hindi pa rin nagpaawat si Cacai na mag-post sa kanyang Instagram at naka-tag pa ito kay Mario.

“Babe pauwe na! wait lang wag ka munang bumalik ng bkk,” post pa niya.

Sa kanyang Facebook page naman ay pinagtanggol ni Cacai ang kanyang sarili sa bashers at haters dahil sa kaugnayan niya kay Mario.

“Apat na taon na po akong nanahimik never ko pong naipagtanggol ang sarili ko sa lahat lahat po ng panglalalit na natanggap ko.

“Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin.

“Pero, sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God bless you all.”

Kasalukuyang napapanood si Cacai sa comedy na “Conan, My Beautician.” Huli siyang napanood sa blockbuster hit na “Imagine You & Me.” Kasama rin si Cacai sa cast ng Metro Manila Film Festival official entry na “Enteng Kabisote 10 and The Abangers.”

comments