Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Dating MILF commander patay, 10 tagasunod huli

Dating MILF commander patay, 10 tagasunod huli

Patay ang isang bumaliktad na commander ng Moro Islamic Liberation Front samantalang 10 tagasunod nito ang naaresto sa isang anti-drug raid na isinagawa ng mga pulis sa kanilang pinagtataguan sa Esperanza, Sultan Kudarat noong Biyernes.

Kinilala ni police regional director Cedrick Train ang napatay na MILF commander na si Ugalingan Manuel, alias “Commander Boyet.” Sinabi ni Train na sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang grupo ni Manuel sa naturang lugar na sinangayunan ni Sultan Kudarat police director Raul Supiter.

Dinagdag ni Supiter na sangkot din ang grupo sa ilang pagpatay at carnapping sa probinsiya at karatig lugar. Nasamsam sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng R100,000 at mga matataas na kalibre ng baril. (Joseph Jubelag)

comments