Home » Entertainment » ‘Kiko inspires me’ – Barbie

‘Kiko inspires me’ – Barbie

INAMIN ng Kapuso Teen Queen Barbie Forteza na masaya siya kapag nakakasama niya ang nali-link sa kanya ngayon si Kiko Estrada.

Kahit na pinagdidiinan ni Barbie na nasa “dating” stage pa lang sila ni Kiko, marami ang nakahahalatang parang may relasyon na nga ang dalawa.
“Wala pa talaga, promise,” sabay tawa pa ni Barbie.

“Puwede naman kaming maging masaya kahit na wala pa kaming relasyon, ’di ba?

“We are still dating pa lang. Wala pang serious na something sa amin talaga.”

So ibig sabihin ba na puwede pa ring pumorma si Kiko sa ibang girls? Kasi nga naman, wala pa silang pormal na relasyon nito.

“Na kay Kiko naman iyon, eh.

“Kung gusto pa rin niyang makipag-date sa iba, it’s all up to him.

“Kung gagawin niya iyon, it only means na hindi special itong nangyayari sa amin.

“Pero sa pagkakaalam ko, wala naman siyang ibang dine-date bukod sa akin.

“Sana ay wala namang iba, ’di ba?” ngiti pa niya.

Nagsimula ang tsismis kina Barbie at Kiko noong matapos ang teleseryeng pinagsamahan nila, “That’s My Amboy,” noong nakaraang April lamang.

Naging malaking inspirasyon daw si Kiko kay Barbie, lalo na pagdating sa trabaho niya.

“Alam mo ’yung kapag nasa work ka, alam mong may nagpapaganda ng araw mo.

“Nakakadagdag siya ng energy sa ginagawa mo.

“Nakaka-inspire siya. Kung kilala lang nila si Kiko, napakabait niyang tao, lalo na sa parents niya.

“Kaya naman ang parents ko, gustung-gusto si Kiko kasi nga napakabuti nitong anak sa parents niya.”

Noong nakaraang 19th birthday ni Barbie last July 31 ay nag-dinner sila ni Kiko pagkatapos niyang manood ng concert ni Selena Gomez.

“Kasi may ibang lakad siya that day. Tapos nag-text siyang magkita na lang kami somewhere after ng concert ni Selena Gomez.

“Yun naman ang nakakatuwa kay Kiko kasi he really makes an effort na magkita kami.

“Kahit na manggaling pa siya sa kanila, sa bandang south, he will make that extra effort na puntahan ako kung nasaan man ako.

“Kahit na pagod at puyat pa siya that day, gusto lang daw niyang maging masaya ako sa birthday ko.” (Ruel J. Mendoza)

comments