Home » Entertainment » Sharon to flaunt new figure on ‘The Voice Kids’ finals

Sharon to flaunt new figure on ‘The Voice Kids’ finals

By GLEN P. SIBONGA

Sharon Cuneta

Sharon Cuneta

PROUD and happy si Sharon Cuneta sa pagpapayat niya at pagbabawas ng timbang ngayon. Base na rin ito sa kanyang posts at updates sa social media accounts niya sa Facebook at Twitter.

Sa “The Voice Kids” (TVK) Season 3, kung saan isa siya sa mga coach along with Lea Salonga at Bamboo Mañalac, marami na ang nakapansin sa kanyang pagpayat. Pero ayon mismo sa Megastar, mas payat pa raw siya ngayon. Magugulat na lang daw ang lahat kapag nag-live na ang TVK3.

Sabi ni Sharon sa FB post niya: “Ang bago ko pong figure (NAKS! O ang aking bagong pagpayat ng konti) ay makikita n’yo lang po sa Finals na ng ‘The Voice Kids 3’ sa Resorts World sa last two weekends ng August. Ang lalabas po sa TV this coming weekend ay matagal na po naming na-tape hindi po siya kailan lang kaya po medyo bachingching pa ako doon.”

Dagdag pa niya sa isa pang FB post: “Sabi ko sa reply ko kay Allan Victoria Pura: Pumayat na nang konti (naks!). Pero first time in one hundred years ko narinig ko uli kay direk Olive Lamasan when I sent her the pics ang ‘Wow Anak! Sexy ka na!’ Baka naman nabubulagan ng pagmamahal lang sa akin?! Hahahaha! (Na-pressure tuloy ako bigla lalo! Mula today nga until the TVK3 Finals ang kakainin ko na lang ay PRIDE. Hahahaha!)”

Ibinahagi rin ni Mega ang isang mensahe mula sa kanyang kaibigan. “This was posted on my private page by my friend and sometime-album-producer Eloisa Matias. Thought I’d share it with you pati my reply!:-) Hahahaha! Eloisa: ‘Talking of me being payat before, my dear kumare, Sharon Cuneta, just pm’d me her latest picture with her current weight… NALAGLAG ANG PANGA KO!!!! Yan lang ang sasabihin ko. Parang kasya na sa kanya ang damit ko, konti na lang talaga. I am not kidding!!!! I’m so happy for her….kasi gusto ko murahin lahat ng nanlait sa kanya noon. Hahahaha’ (MY REPLY:) WAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Mare likas kang payat. Ang dali nyan for you. Ako forced-feeding na, nasanay na ako enemy ko ngayon ang food! Hahahahaha! Di ba napaka-ironic naman kung next headline about me ay ‘Sharon Anorexic Na!’ or ‘Sharon Malnourished Na’ malapit na maglaho mas payat pa kay Kim Chiu!’ Mas nakakatakot naman ang ‘Sharon Naririnig pero di Nakikita!’ HAHAHAHAHAHAHA!”

Marami tuloy fans ng Megastar ang nae-excite na makita ang bagong figure ngayon ng kanilang idolo. Suportado pa rin naman daw siya ng mga ito anuman ang timbang niya. Komento nga ni Jezreel Pelaez Gonzales sa FB post ni Sharon: “Naloloka ako sa mga post mo mega. Nakaka-excite kasi ehh… whatever your figure will be maganda ka pa din kasi mabait ka and very humble.”

comments