Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Dam kumitil ng buhay

Dam kumitil ng buhay

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang lalaki ang nalunod matapos mahulog ito sa itaas na bahagi ng isang dam habang papunta ito sa pangingisda sa Bislak River sa Vintar, Ilocos Norte Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Eddimar Pascua, 34 anyos at residente ng Sitio Magabobo, Barangay 16 Salsalamagui sa bayan ng Vintar.

Dead on arrival si Pascua nang isugod ito ng mga nakakitang residente sa ospital. (Freddie G. Lazaro)

comments