Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaki patay sa boga ng anak

Lalaki patay sa boga ng anak

CAMP JUAN VILLAMOR, Bangued, Abra – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng shotgun ng sarili nitong anak sa kanilang tahanan.

Kinilala ni Superintendent Mark Pespes, officer-in-charge ng Abra Provincial Police Office, ang biktima na si Reynaldo Almazan Bayle, 58 anyos at residente ng Barangay Calaba.

Ayon kay Pespes, hapon ng Linggo nang dumating ang biktima sa kanilang tahanan na lasing at nagsimulang magwala. Hinabol umano ng biktima and anak nitong babae at lalaki gamit ang isang kitchen knife.

Tumakbo naman ang suspek na si Reynante sa loob ng kanilang tahanan upang kunin ang Gauge 12 na shotgun. Isang beses pinaputukan ni Reynaldo ang kaniyang ama kung saan tinamaan ito sa tiyan.

Agad na itinakbo si Reynaldo sa Abra Provincial Hospital kung saan ito idineklarang dead on arrival. Huli naman ang suspek na sa ngayon ay nakapiit sa Bangued Municipal Police Station habang naghihintay ng kasong isasampa laban sa kaniya. (Rizaldy Comanda)

comments