Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Robin and Mariel’s baby girl due in November

Robin and Mariel’s baby girl due in November

Brent, Dave , Nikki

BABY girl ang unang anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ipapanganak ng huli sa November. Baka nga ka-birthday pa ito ni Robin on Nov. 23.

Live sa Facebook ang ginanap na Gender Reveal Party nina Robin at Mariel noong Aug. 13, kaya marami ang nakapanood at nakaalam na baby girl ang isisilang ni Mariel. Isinabay na rin ang kanyang birthday celebration (Aug. 10) at 6th wedding anniversary nila ni Robin.

Hindi nila ipinahayag ang ipapangalan nila sa kanilang baby at saka na lang daw. Pero sa hashtag ni Mariel na #MarielLovesAprica, pwedeng isiping Aprica ang name ng kanilang baby. Wait na lang tayo.

Pasabog

Kaabang-abang ang pasabog ni Sharon Cuneta sa live show at grand finals ng “The Voice Kids.” Nag-post ang megastar sa social media na pumayat na siya at 130 lbs. na lang siya ngayon. Dati’y 160 lbs. ang timbang niya.

Aniya, ’yung Sharon na napapanood sa TVK episodes na ipinapalabas ngayon ay matagal na nilang nai-tape, kaya mataba pa siya roon. Pansin namin, noong episode last Saturday (Aug.13) ay nabawasan na ang timbang ni Sharon. Kita na ang kanyang leeg na dati’y parang nakalubog.

Diet pa more, Mega, at maa-achieve mo na ang payat-payatang figure. Effort pa more!!!

Ipinakikilala

Tatlo pa sa mga miyembro ng boy band na One Up ang ipakikilala namin. Nauna na sina Yasser Marta, Jay Arcilla at Kevin Sagra na itinampok sa Sunday column namin.

Now naman sina Dave Bornea, Brent Valdez at Nikki Co na pawang kabilang sa “Starstruck 6” ang ipi-feature natin. Si Dave ay 18 years old, mula sa Cebu. Panganay siya sa tatlong magkakapatid.

Mapapanood si Dave sa upcoming GMA primetime series na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. Tampok din sina Megan Young, Andrea Torres, Jaclyn Jose, Sid Lucero, among others. Si Dominic Zapata ang direktor.

First time ni Dave makakatrabaho si Dingdong, kaya looking forward siya sa mga eksena nila together. Walang girlfriend si Dave, pero crush niya si Lindsay de Vera na love interest niya sa upcoming primetime series ni Dingdong.

Flattered si Dave sa sinasabing look-alike siya ni Alden Richards. Inspirasyon niya si Alden. Bagaman hindi ito napasama sa SS finalists, sumikat din si Alden. Who knows, baka matulad ang kapalaran ni Dave kay Alden?

Bully

Taga-Imus, Cavite ang 19-year-old na si Brent Valdez. Marketing and Advertising student siya sa La Salle, Dasmariñas, kung saan nag-aral din si Marian Rivera. Taga-Cavite rin ang Kapuso actress, kaya natuwa si Brent noong nag-guest siya sa “Yan ang Morning” at sinabi niya kay Marian na magkababayan sila at parehas sila ng pinasukang school.

Kasama rin si Brent sa upcoming primetime series ni Dingdong Dantes at isang bully ang role niya.

Top 18

Twenty years old naman si Nikki Co, Computer Science and Engineering student sa De La Salle University, Taft, Manila. Napasama si Nikki sa Top 18 ng “Starstruck 6.”

Nakalabas na si Nikki sa “Magpakailanman” at “That’s My Amboy,” headed by Barbie Forteza, Andre Paras, and Kiko Estrada. Kasama ngayon si Nikki sa cast ng “Sinungaling Mong Puso,” again with Kiko Estrada.

Noong nasa high school siya, kabilang si Nikki sa isang boy band. Na-disband sila noong nag-college na sila dahil magkakaiba na sila ng eskuwelahang pinasukan.

Bukod sa singing and dancing, gusto rin ni Nikki na ma-appreciate ang kakayahan niya sa akting. Kasama ang ibang miyembro ng One Up, nagwo-workshop si Nikki. Ang theater and concert director na si Freddie Santos at ang singer-composer na si Jeffrey Hidalgo ang kanilang mentors.

May iba pang motibo

Aware si Glaiza de Castro na marami ang nagagalit sa karakter niya bilang Pirena sa “Encantadia,” pero aniya, mas lalo itong napapamahal sa kanya. Effective ang pagpapaawa niya sa mga kapatid niyang sang’gre na aniya’y may iba pa siyang motibong dapat abangan.

Nagpapasalamat naman si Ken Alfonso na kahit saglit lang ang appearance niya sa “Encantadia” bilang kawal ng Lireo na ama ng anak ni Pirena na pinaslang nito’y maganda ang feedback sa kanilang eksena.

May mga televiewer ang nag-wish na sana’y hindi agad pinatay ni Pirena si Ken. Guwapo at matipunong lalaki pa naman daw ito.

comments