Home » News » News Roundup » Sarmiento, bagong PPCRV chair

Sarmiento, bagong PPCRV chair

Itinalaga si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene V. Sarmiento bilang bagong pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nahalal si Sarmiento bilang chairperson sa ginanap na PPCRV General Assembly noong isang linggo. Sinabi ng PPCRV na 176 delegado ng General Assembly ang bumoto kay Sarmiento bilang bagong mamumuno sa PPCRV sa loob ng anim na taon na magsisimula sa November 1, 2016 at magtatapos sa October 31, 2022.

Nauna rito, ipinahayag ni PPCRV Chairperson Amb. Henrietta T. de Villa ang kanyang pagreretiro bago dumating ang Mayo 3 ng taong ito. (Leslie Ann G. Aquino)

comments