Home » News » News Roundup » 10 drug suspects timbog sa QC

10 drug suspects timbog sa QC

Sampung katao ang naaresto sa magkakahiwalay na drug bust operations ng pulisya sa Quezon City nitong Lunes. Kinilala ng Quezon City Police District ang mga naaresto na sina Rodolfo Cuaresma, 27; Richmonder Tan, 32; Ma. Teresa Borra, 42; Edgardo Ripalda, 50; Angelo Ruperez, 28; Jerry Aquino, 27; Michael Ablaza, 23; Jayson Maloloy-On, 27; Penit Diamtangal, 54; and Gregorio Laveriza, 36.

Nadakip sila sa isinagawang anti-illegal drugs operations na isinagawa ng QC Police District sa Barangays E. Rodriguez, Tatalon, Culiat at Old Balara mula 2:20 a.m. hanggang 9 p.m.

Naumpiska sa mga inaresto ang siyam na pakete ng shabu at drug paraphernalia. Inihahanda na ng pulisya ang mga kasong isasampa sa mga mga suspek. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments