Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kim living in with boyfriend?

Kim living in with boyfriend?

Kim Domingo

NAG-taping na ang Hollywood actor na si Conan Stevens sa “Encantadia” at inaabangan na ang paglabas ng karakter niya bilang Vish’ka, legendary warrior mula sa mga Higantes. Aniya sa isang interbyu, sakto sa built ng kanyang katawan ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA Network.

Extra challenge kay Conan na mabigkas nang tama ang Nchan (Encantadia language).

Bukod kay Conan, inaabangan din ang paglabas ng isang karakter mula sa “Mulawin” na magiging bahagi ng “Encantadia.”

Sa ipinapalabas na teaser, may isang pakpak na lumilipad. Hindi naman siguro galing ’yun sa isa sa tatlong bibe na may pakpak na iisa. Joke!

Seriously, pahulaan kung sino ang magiging bahagi ng “Encantadia” na galing sa “Mulawin.” May post si Miguel Tanfelix ng malaking pakpak na may caption na “Sa muling paglipad.”

Matatandaang gumanap si Miguel bilang Pagaspas sa original version ng “Mulawin” na pinagbidahan ni Richard Gutierrez na gumanap bilang Aguiluz. Hindi kaya gagampanan muli ni Miguel ang naturang role o papapel bilang bagong Aguiluz sa isang bahagi ng “Encantadia”?

May mga ispekulasyon din na hindi raw kaya si Alden Richards ang gaganap bilang Aguiluz? Base raw kasi sa picture ng isang lalaking nakatalikod na nakatingin sa mundo ng Encantadia ay parang si Alden ’yun.

Marami naman ang nagwi-wish na i-remake ang “Mulawin” at hindi lang siya basta bahagi ng “Encantadia”. For sure, maraming Kapuso actors ang naghahangad na gumanap bilang Aguiluz.

Heartbreaker

Hindi man nagbanggit ng pangalan, hinala nami’y si Sef Cadayona ang ex-boyfriend ni Yassi Pressman na sobrang nagdulot ng sakit ng puso ng dalaga. Sa guesting ni Yassi sa “Gandang Gabi Vice,” sinabi niyang lahat ay ginawa niya for her ex-boyfriend. Sobrang love niya kasi at inihahatid pa niya ito pauwi kahit malayo ang distansiya ng tirahan nila. Siya (Yassi) pa ang nagda-drive ng kanyang sasakyan.

Hindi pa rin siya naniwala noon kahit marami na ang nagsasabi sa kanyang may ibang girlfriend ang kanyang boyfriend at pinagsasabay sila. Deadma lang at BPB (bulag, pipi at bingi) ang peg ni Yassi.

Matatandaang nagging usap-usapan noon na si Andrea Torres ang dahilan ng change of heart ni Sef. But then, todo-deny pa (kuno!) sina Sef at Andrea. Pwedeng isiping kaya siguro umalis si Yassi sa GMA ay para iwasan sina Sef at Andrea. Gano’n nga kaya ’yun?

Live-in na ba?

Magka-live-in na kaya si Kim Domingo at ang basketball player boyfriend niyang si Michael Acuna? ’Yun kasi ang pwedeng isipin dahil sa post ni Michael sa social media ng picture nila ni Kim.

Mukhang bagong gising si Michael at hinahalikan niya si Kim na ang caption ay: “When u wake up this morning and u have a beautiful view with this beautiful princess.” O, pwede ring isiping nag-i-sleep-over sina Kim at Michael. O, pwede ring isiping nasa isang bakasyunan sila.

Hindi kaya makaapekto sa career ni Kim ang mga post sa social media ng boyfriend niya ng pictures nila together?

Tinagurian pa naman siyang Bagong Pantasya ng Bayan. Baka mabawasan ang mga kalalakihang nagpapantasya kay Kim kung parating naka-post sa social media ang pictures nila together ng kanyang boyfriend.

How true na diumano’y pinagsabihan na si Kim ng management ng GMA Network tungkol du’n? Hindi kaya ang intention ng kanyang boyfie ay para ipaalam at ipaalalang off-limits na ang ibang guys kay Kim dahil pag-aari na niya ang puso’t katawan ng dalaga?

comments