Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Konsehal huli sa pot session

Konsehal huli sa pot session

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Arestado ang isang konsehal matapos mahuli sa isang pot session sa Sitio Dungtal, Barangay 23, Laoag City.

Ayon kay Chief Inspector Dexter Corpuz, spokesperson ng Ilocos Norte police office, nahuli si Al Aguibay sa isang entrapment sa naturang lugar.

Si Aguibay ay president ng Association of Barangay Chairman (ABC) at ex-officio member ng Carasi town. Dagdag pa ni Corpuz, kanilang napag-alaman na ang ilang piraso ng sachet ng pinaghihinalaang shabu ay binili sa bayan ng Vintar.

Matapos arestuhin ay itinakbo si Aguibay sa ospital nang magpakita ito ng senyales ng hypertension. Kasalukuyang hawak na ng pulisya si Aguibay na nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002. (Freddie G. Lazaro)

comments