Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pulis blanko pa sa pagpatay sa kabaro

Pulis blanko pa sa pagpatay sa kabaro

KAWIT, Cavite – Wala pang lead ang pulisya sa pagkakakilanlan ng riding-in-tandem na nagpatumba sa isang on duty tourist police officer sa Aguinaldo Shrine Freedom Park.

Ito’y sa kabila ng utos ni Cavite Police Provincial Office (PPO) acting director Senior Superintendent Arthur V. Bisnar ng malaliman na imbestigasyon sa pagkakapatay kay PO2 Rogelio Francisco.

Ang 51-anyos na si Francisco ay naka-assign sa Cavite Police Tourist Unit Station na binaril ng dalawang salarin na nakasakay ng motor habang nagpapatrolya ang biktima sa Freedom Park noong Lunes.

Dead on the spot dahil sa tama ng bala sa ulo si Francisco na nakasuot pa ng kaniyang uniporme. Hindi pa alam ang motibo ng mga suspek na humarurot papuntang Noveleta municipality.

Kasalukuyan nang inaalam ang mga CCTV cameras na posibleng naka-pwesto sa lugar ng pinangyarihan ng krimen bukod pa sa pakikipag-usap sa mga kaanak at kaibigan ng biktima upang maresolba ang kaso. (Anthony Giron)

comments