Home » Entertainment » ‘Starstruck 6’ winner excited over first teleserye

‘Starstruck 6’ winner excited over first teleserye

17Migo Adecer instagram copy

MALAPIT nang mapanood sa GMA-7 telefantasya na “Encantadia” ang Ultimate Male Survivor winner ng “Starstruck” Season 6 na si Migo Adecer.

Ito ang unang teleserye ni Migo pagkatapos niyang manalo sa reality-based artista search na “Starstruck” noong December 2015.

Si Migo ang gaganap sa role na Anthony na unang ginampanan ng kauna-unahang “Starstruck” male winner na si Mark Herras.

Marami nga raw ginawang paghahanda ang 16-year-old Fil-Australian Kapuso young actor para sa telefantasyang ito at worth it naman daw ang kanyang paghihintay.

“I have to brush up on my Tagalog. Now mas okey na akong mag-Tagalog unlike before.

“Kaya when we had a taping na, okey na ang Tagalog ko. I’m excited because it’s my first big show as a Kapuso,” ngiti pa niya.

Ang Pop Diva na si Kuh Ledesma ang discoverer/manager ni Migo at ito ang nag-encourage ditong sumali sa “Starstruck.”

“Ms. Kuh is very supportive. She saw something in me na hindi ko napapansin before. When I joined ‘Starstruck,’ hindi ko alam ang gagawin ko. But I was able to hone whatever talent I never thought that I would win it,” ngiti pa niya.

Singing ang pinaka-talent ni Migo kaya may gagawin din siyang album sa ilalim ng GMA Records.

“My real talent kasi is singing and I also play the guitar.

“I also write music. So my first album will have some of my original music and also with the help of other songwriters. It’s a combination of English and Tagalog songs,” pagmamalaki pa niya.

At kahit busy si Migo sa kanyang career, pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral.

“I’m taking up DepEd right now. I stopped schooling in Australia when I came over here for ‘Starstruck.’ I was already in Grade 10 that time.

“I don’t want to waste any time kasi. Kung mapagsasabay ko ang work and school, gagawin ko.

“Back in Australia, I was a working student.

“I was never dependent on my parents. We’re not very well-off at marami akong mga kapatid. So I had to do my part to help my family and be able to buy things for myself.

“Kaya sanay ako sa trabaho. Kasi I want to be a pilot or a dentist someday. In order to achieve that I have to work really hard,” pagtapos pa niya. (RUEL J. MENDOZA)

comments