Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Tseke ng drug money hawak na ng pulisya

Tseke ng drug money hawak na ng pulisya

CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte – Hawak na ngayon ng pulisya ang isang lumang bank checks na naglalaman umano ng mga pangalan ng local at police officials na tumanggap ng payola money buhat kay suspected drug lord Rolando ‘Kerwin’ Espinosa, Jr.

Ayon kay Chief Inspector Jovie Espinido kanila nang bineberipika sa accountant at bookkeeper ni Espinosa na posibleng may kinalaman sa naturang payola o drug money.

Ayon pa kay Espinido, aabot sa milyon ang tinatanggap ng mga top government at PNP officers habang nasa P25,000 monthly ang tinatanggap ng ordinaryong policeman.

Nahaharap sina Espinosa at ama nito na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa issue matapos masamsam ang milyong halaga ng droga sa kanilang tahanan. (Nestor L. Abrematea)

comments