Home » News » News Roundup » 4 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan

4 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan

Sugatan ang apat na katao nang magkarambola ang walong sasakyan matapos na mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep sa ilalim ng Kalayaan flyover sa Makati City kahapon ng umaga. Ang mga sasakyang kasama sa aksidente ay kinabibilangan ng dalawang pampasaherong jeepney na may plakang TYA-742 at TYK-963, dalawang UV Express Service van na may plakang UQV-239 at CO-2181, isang Toyota Vios Sedan (AALL-7081), Mitsubishi Mirage Sedan (ZTM-187), at Mitsubishi Strada pick-up truck (UOW-353).

Ayon sa Makati Disaster Risk Reduction and Management Council, naganap ang aksidente sa Kalayaan Avenue malapit sa Jervois Street, Brgy. Pinagkaisahan, bandang 7:04 a.m. habang ang mga sasakyan ay bumibiyahe patungong Bonifacio Global City.

Sinabi ni PO3 Edison Labadia of Makati Traffic na inamin ng driver ng isa sa dalawang pampasaherong jeepney na nawalan ng preno ang kanyang sasakyan habang pababa ng flyover.

Nagkaroon ng domino effect ang aksidente at napinsala ang pito pang sasakyan, base sa police report. Kaagad na nagpadala ng ambulansiya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para isugod sa ospital ang mga sugatang pasahero. (Anna Liza Villas-Alavaren)

comments